
Ang mga bida ng seryeng Apoy Sa Dugo ang maghahatid ng tawanan at good vibes sa Family Feud ngayong Huwebes!
Ngayong February 26, may kaabang-abang na “More Tawa, More Saya, More Love” showdown ang cast ng Apoy sa Dugo.
Pangungunahan ng real-life sweethearts na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio ang Team Vanessa. Makakasama nila ang charming actor na si Larkin Castor at ang talented comedienne na Cai Cortez.
All-out girl power naman ang Team Angel. Mamumuno sa Team Angel ang fierce and beautiful na si Ashley Ortega. Tampok din sa Family Feud ang newly-engaged Sparkle star na si Thea Tolentino, ang talented star na si Patricia Coma, at ang legendary actress na si Pinky Amador.
Tutukan ang kilig at chemistry ng Team Vanessa at ang fierce girl power ng Team Angel sa Family Feud ngayong February 26, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000!