GMA Logo Luv is caught in his arms
What's Hot

Cast ng bagong kilig-serye ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios, ipinakilala na!

By Jimboy Napoles
Published June 18, 2022 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Luv is caught in his arms


Ang inyong mga kinakiligang Wattpad novels, bibigyang buhay ng GMA Network kasama ang inyong mga paboritong Kapuso stars.

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagsanib puwersa ang GMA Network at ang Wattpad Webtoon Studios para sa pinakabagong kilig series na LUV IS, tampok ang iba't ibang popular Wattpad webnovels.

Sa "Chika Minute" report sa 24 Oras noong June 16, ipinakilala na ang cast ng unang adaptation na LUV IS: Caught in his Arms. Pagbibidahan ito ng isa sa pinaka kinakikiligang love teams ngayon na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Makakasama nila rito ang ilan sa mga bagong Kapuso stars at Sparkle artists mula sa Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.

Bibigyang buhay ni Sofia ang karakter ni Florence Almero sa nasabing Wattpad novel habang gagampanan naman ni Allen ang karakter ni Nero Ferrell.

Sa panayam sa Sparkle sweethearts, aminado ang dalawa na mas mature ang roles nila ngayon pero excited sila na gawin ang proyekto.

Kuwento ni Sofia, "Medyo matured nga po siya compared sa kung ano kami ni Allen in real life. Kumbaga 'yung feelings is very deeper compared din [kina] Fonzie and Lenlen or [kina] Gavin and Raya."

"Ako naman dito 'yung masungit, 'yung pa-fall, ako naman 'yung pa-fall, maldito. Kaya naman ngayon pa lang excited na ako at pinag-aaralan ko na kung paano maging masungit," dagdag naman ni Allen.

Panoorin ang buong report sa video na ito:

Samantala, nag-trending naman sa Twitter ang naging cast reveal para sa LUV IS: Caught in his Arms sa 24 Oras na magpapatunay na marami na ang nag-aabang sa serye.

Abangan ang world premiere ng LUV IS: Caught in his Arms, ngayong October 3 na sa GMA.

Para sa iba pang updates, bisitahin lang ang GMANetwork.com.

Samantala, silipin naman ang ilang sweet photos nina Sofia at Allen sa gallery na ito: