
Tapatan ng mahuhusay sa pag-arte at sa kantahan ang aabangan sa “Four-ever ang Tawa, Four-ever ang Saya" Friday episode ng Family Feud.
Ngayong March 20, magsasama-sama sa Family Feud ang OPM legends and rising vocal powerhouses mula sa afternoon musical-drama na Born To Shine.
Tampok sa Team Minchie ang icon na si Manilyn Reynes. Kasama niyang magpapakita ng husay sa pagsagot sa Family Feud ang Gen Z's "Pop Princess" na si Zephanie; versatile actor and former child star na si Miggs Cuaderno; at ang ever-reliable actor na si Smokey Manaloto.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Maglalaro naman sa Team Monica ang "Sentimental Diva" na nagpasikat ng ilang '90s hits na si Roselle Nava. Sasamahan naman siya ng actress-singer na si Tina Paner; Sparkle artist na si Olive May at ng veteran actress na si Dang Cruz.
Saksihan ang exciting na Friday tapatan na ito sa Family Feud ngayong March 20, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Hating Kapatid, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.