
Para ipagdiwang ang launch ng kauna-unahan nilang album, live na nag-perform ang cast ng GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine nitong Martes, May 5, sa GMA Complex grounds.
Inawit ng YUMI, ang P-Pop girl group na mapapanood na soon sa serye na binubuo nina Zephanie, Olive May, Mitzi Josh, Gaea Mischa, at Naya Ambi, ang kanilang original song na "This is Our Time."
Samantala, tinapatan naman ito ng NIXI, ang original girl group ni Olive sa serye na kinabibilangan nina Chloe Redondo, Angelika Santiago, at Aaliyah de Gracia, na inawit naman ang single nilang "Run Away."
Inawit din ni Zephanie ang theme song ng serye na "Aking Liwanag" at "Kwento Ko." Naging emosyonal pa nga ang singer-actress sa ikalawang awitin niya.
"This time, puwede na nilang baunin kahit saan sila magpunta kasi ma-da-download na nila sa streaming platforms," sabi ni Zephanie sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras.
Ipinahayag din ng aktres kung gaano sila kasaya na mayroong na-produce na orihinal na mga kanta para sa show.
BALIKAN ANG BEHIND THE SCENES SA NAGANAP NA MEDIA CON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:
Nagpakilig din si Michael Sager nang awitin ang orihinal na kanta ng kanyang karakter na si Nate Lim na "May Gusto Na 'Ko Sa 'Yo."
"Parang nararamdaman ko 'yung experience paano maging singer because of this album launch hindi lang bilang Nate Lim, bilang Michael na rin," sabi ng aktor.
Pagpapatuloy pa ni Michael,"Nakakatuwa lang that we're able to bring our talents, apart from the characters, into real life."
Present din si Vina Morales na kinanta naman ang "Sandali," isa sa mga awiting maririnig din sa serye.
Mapapakinggan na ang OST simula nitong May 5 sa mga music streaming platform.
Panoorin ang panayam sa kanila sa 24 Oras dito: