
Purrrfect ang new season premiere ng multi-awarded weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko nitong October 7, matapos magtala ang 'Captain Kitten' ng mataas na ratings.
IN PHOTOS: Jillian Ward's transformation from child star to teen star
Bida sa superhero story na ito ang Star of the New Gen na si Jillian Ward, Shuvee Etrata, Archie Alemania, Kim Perez, Angela Alarcon, at ang versatile actor na si Gabby Eigenmann.
Base sa datos ng NUTAM People Ratings, runaway winner ang 10.0 percent rating na nakuha ng Daig Kayo Ng Lola Ko kontra sa mga katapat nitong programa.
Nagpaabot naman ng pasasalamat sina Gabby at Kim sa mainit na suporta ng mga viewers sa kanilang unang episode.
Sa mga naka-miss sa simula ng adventure ni Kat (Jillian Ward), silipin ang buong episode ng Captain Kitten na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below.