
Nakitakbo ang cast ng upcoming Pinoy adaptation ng Korean drama series na Descendants of the Sun sa pangunguna nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Rocco Nacino sa heroes fun run, na ginanap sa Fort Bonifacio, Taguig City, kahapon, Nobyembre 24.
Parehong military reservist sina Dingdong at Rocco. Master Seargeant sa Marines ang ranggo ni Dingdong habang PO3 naman ang ranggo ni Rocco bilang Navy reservist.
Hindi rin nagpahuli sa event ang pulisya, navy, marines, airforce, coastguards, BJMP at Army.
Layon ng fun run na makatulong sa mga anak ng mga sundalong nasawi sa serbisyo.
Panoorin ang buong ulat dito: