
Punong-puno ng “summer tawa at summer saya” ang Lunes episode ng Family Feud!
Ngayong May 4, maghaharap ang magkakaibigang cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, Bianca Umali, Gabby Eigenmann, Ysabel Ortega, Carla Martinez, at Jon Lucas sa isang masayang survey showdown, bago ang nalalapit nilang finale ngayong linggo.
Sa Team Sang'gre, mapapanood ang mga tagapangalaga ng mga brilyante: Faith Da Silva bilang Flamarra (brilyante ng apoy), Angel Guardian bilang Deia (brilyante ng hangin), Kelvin Miranda bilang Adamus (brilyante ng tubig) at Bianca Umali bilang Terra (brilyante ng lupa).
PHOTO SOURCE: Family Feud
Makakatapat naman nila ang Encantadia Chronicles, na pangungunahan ni Gabby Eigenmann bilang Zaur, ang high-ranking servant ni Mitena. Kasama rin niya sina Ysabel Ortega bilang Armea, Carla Martinez bilang Tabun, at Jon Lucas bilang Daron.
Abangan kung sino ang mananaig sa masayang bakbakan ng Team Sang'gre at Encantadia Chronicles sa fresh episode ng Family Feud ngayong Lunes, May 4, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.