
Tapatan ng cast ng bagong GMA Afternoon Prime series na House of Lies ang aabangan sa Family Feud ngayong Huwebes!
Ngayong January 15, makikilala ang cast na magpapagalingan sa Family Feud stage.
Mula sa The Ladies of House of Lies maglalaro ang award-winning actress na si Beauty Gonzalez na nakapaguwi ng Best Lead Actress award sa Five Continents International Film Festival.
Makakasama ni Beauty sa Family Feud ang nagbabalik telebisyon na si Kris Bernal, ang aktres at TV host na si Patricia Tumulak, at ang actress, host, and DJ na si Gee Canlas.
Ang Kapuso leading man na si Mike Tan naman ang mamumuno sa team na The Men of House of Lies. Kabilang din sa team na ito ang nakapag-uwi ng Best Actor award sa CineSilip Film Festival na si Martin del Rosario, Bubble Gang mainstay at National Winner for Best Actor ng 2024 Asian Academy Creative Awards na si Kokoy de Santos, at award-winning actor na si Luis Alandy.
Abangan ang Thursday night showdown ng House of Lies stars sa Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!