GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Cast ng 'Kamao,' maghaharap sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 3, 2026 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bea Alonzo returns to Instagram with European trip photos after weeks of silence
HABI opens national piƱa and abaca weaving competitions
Over 800 delivery riders in Davao get cash aid

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang tapatan ng Team Makmak at Team Lance sa 'Family Feud.'

Break muna sa boxing ring ang cast ng Kamao dahil magpapagalingan muna sila sa survey board ng Family Feud.

Ang cast ng Kamao ay magiging bahagi ng "Malayang makitawa, malayang makisaya" Buwan ng Kalayaan celebration ng Family Feud.

Tampok sa Kamao ang kuwento ni Makmak, isang determinadong amateur boxer na nagsusumikap makamit ang kanyang pangarap sa mundo ng boxing.

Pangungunahan ni Anton Vinzon ang Team Makmak. Kilala si Anton sa kanyang dedikasyon sa paghahanda para sa kanyang karakter, kabilang ang araw-araw na boxing drills at gym workouts. Makakasama niya ang kanyang real-life at onscreen father na si Roi Vinzon, gayundin ang beteranong aktor na si Neil Sese at fast-rising actor na si Shan Vesagas.

Family Feud

PHOTO SOURCE: Family Feud

Samantala, pamumunuan naman ni Bruce Roeland ang Team Lance. Ginagampanan niya ang papel ng antagonist na si Lance sa serye. Sasamahan siya ng award-winning actress na si Therese Malvar, kasama ang social media personalities at vloggers na sina Meong at Hellboy.

Sino kaya ang mananaig sa labanang ito? Abangan sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 3, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.