
Kulitan at bukingan ang napanood sa phone raid challenge ng Luv Is: Love at First Read cast.
Nanguna si Therese Malvar sa challenge na ito. Saad ni Therese, "Kukunin natin ang phone nila along with them at iri-raid namin with the challenges in this box."
Kapag ayaw nila mag-reveal, may inihandang dare si Therese.
Ang kumasa sa challenge na ito ay sina Larkin Castor, Bruce Roeland, Josh Ford, Marco Masa, at Pam Prinster. Panoorin kung anu-ano ang mga na-reveal sa cast ng Luv Is: Love at First Read at kung sino ang tumanggap ng dare.
Samantala, patuloy na subaybayan ang kilig love story ng Luv Is: Love at First Read sa GTV, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. bago mag-24 Oras.