GMA Logo Love Before Sunrise
Source: rodjuncruz (IG)
What's on TV

Cast ng 'Love Before Sunrise,' excited at proud sa nalalapit na finale

By Marah Ruiz
Published December 19, 2023 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Love Before Sunrise


Excited at proud ang cast ng 'Love Before Sunrise' sa nalalapit na finale ng kanilang serye.

Dalawang linggo na lang bago ang nalalapit na pagtatapos ng romance drama series na Love Before Sunrise.

Para ipagdiwang ang matagumpay na pagpapalabas nito, nagsama-sama ang cast at crew ng serye sa isang thanksgiving celebration.

Source: andreaetorres (IG)

Very proud at excited naman ang lead stars nitong sina Bea Alonzo, Andrea Torres at Sid Lucero para sa nalalapit na finale.

Masaya si Bea sa magandang proyekto at bonus pa raw ang mga bagong friendships na nabuo niya dito.

"I've gotten close to them. Everybody is professional. They're all really nice so mami-miss ko sila," pahayag ni Bea.

Ayon naman kay Sid, dapat daw abangan ang kahihinatnan ng karakter ni Bea na napakaraming pinagdaanang pagsubok.

"Expect the best. I'ts a really nice ending to everything. It really pushes Bea's character to the end kasi," lahad ng aktor.

Maipagmamalaki naman daw ni Andrea na matagumpay niyang ginampanan ang isa na namang kakaiba at challenging na role.

"For a long time hindi ko na nae-experience 'to, 'yung pag-cut hindi ka pa tapos. Na-experience ko siya doon sa ending ni Czarrina. I guess kasi 'yun na eh--sa lahat ng pinagdaanan nila, sa lahat ng nangyari, maganda 'yung ending," bahagi ni Andrea.

Silipin ang thanksgiving party ng Love Before Sunrise dito:



Ang Love Before Sunrise ay kuwento ng dalawang taong paghihiwalayin ng magkakaibang sirkumstansiya ng kanilang mga buhay.

Sa ika-13 linggo ng serye, pilit na ipaglalaban nina Atom (Dennis Trillo) at Stella (Bea Alonzo) ang kanilang pag-iibigan kahit na kataksilan ito sa kanikanilang mga asawa.

May suspetsa naman si Czarina (Andrea Torres) na nagkikita pa rin ang dalawa.



Ang Love Before Sunrise ay collaboration sa pagitan ng GMA Entertainment Group at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.

Tunghayan ang Love Before Sunrise, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m. Stream on Viu anytime, anywhere.