GMA Logo running man philippines
What's Hot

Cast ng 'Running Man Philippines', makikilala na sa '24 Oras'

By Aedrianne Acar
Published May 24, 2022 12:36 PM PHT
Updated May 24, 2022 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

running man philippines


Nag-aabang na ang fans sa big announcement ng cast ng 'Running Man Philippines' sa flagship newscast ng Kapuso Network.

Mas tumitindi na ang excitement para sa Running Man Philippines, ang local adaptation ng biggest reality game show mula sa South Korea, na ipalalabas sa GMA Network.

Matatandaan na noong 2020, pumirma ng isang partnership ang GMA Network at SBS Korea para sa isang co-production agreement para gawin ang local version ng Running Man.

Ang Running Man ay isang reality game show na unang umere noong 2010.

Sasabak ang mga cast at guest sa show sa mga kakaiba at laugh-out-loud na games at missions. Sumikat lalo ang Running Man dahil sa mga Korean actors at idols ang nag-guest dito.

Sa katunayan ilang Hollywood superstars na rin ang napanood dito tulad nina Jackie Chan, Tom Cruise, Jack Black, Ryan Reynolds, at Henry Cavill.

Kahapon, May 23, ipinalabas na ang first teaser para sa Running Man Philippines at kinumpirma na rin mismo ng network na sa darating na Biyernes, May 27, pormal nang ipakikilala sa 24 Oras ang buong cast ng Running Man Philippines.

Ngayon pa lang, excited na ang mga Pinoy viewers sa mangyayari big announcement soon.

Sinu-sino kaya ang multi-talented artists na pasok sa cast ng Running Man Philippines?

Abangan yan sa 24 Oras mga Kapuso!