What's Hot

Cast ng 'Sunday PinaSaya,' nagpasalamat sa mga naki-birthday noong Linggo

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 10:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From DongYan to Carla Abellana, here are some 2026 celebrity predictions by a Feng Shui expert
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



May part two pa ang celebration kaya tutok ulit sa Linggo, September 11 mga Kapuso! 


Nakatanggap ng masigabong palakpakan ang Sunday PinaSaya noong Linggo (September 4) nang ipagdiwang ng show ang kanilang kauna-unahang kaarawan bilang number one Sunday noontime habit.
 
Ipinaabot ng stars ang kanilang pasasalamat sa mga nakibahagi sa selebrasyon.


Mula sa sampung orihinal na cast, isa si rising teen star Gabbi Garcia sa mga idinagdag sa regular cast ng programa.
 
Taos-pusong nagpapasalamat ang dalaga na mapabilang sa show na nagbibigay saya tuwing Linggo. Aniya, “[I am] so happy to be part of this family!”

 

so happy to be part of this family! ???? #SundayPinasaya ????ctto

A photo posted by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on


Ikinatuwa ni Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas ang post ng Encantadia star at nagpasalamat na rin siya sa mga nakipagdiwang kasama nila, “Salamat sa lahat ng nanood ng [Sunday PinaSaya] anniversary.”

 

Salamat sa lahat ng nanood ng sps anniversary ... Nakakatuwa tong picture nato parang ang saya saya .. Tnx inaanak @_gabbigarcia

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

 
IN PHOTOS: #HappyBirthdaySPS
 
Ang baguhang Kapuso actress na si Lovely Abella ay nangako ng engrandeng performance linggo-linggo, “Maraming salamat po sa inyo, sa pagmamahal niyo. Simula ngayong linggo, lalo namin pasasayahin ang linggo niyo.”
 
Pinakainabangan naman ang segment nina Pambansang Bae Alden Richards at ni Dubsmash Queen Maine Mendoza. Hindi nagpahuli ang tambalang Jerald Napoles at Valeen Montenegro na nakaeksena nina DJ Bae at DJ Mae.

 

#MaiChard × #JerLeen #HappyBirthdaySPS

A photo posted by Jerald Napoles (@iamjnapoles) on


Bukod sa pagpapasaya, puno rin ng pagmamahal ang cast para sa kanilang lumalaking pamilya kada Linggo.
 
Meron pang pangalawang selebrasyon ang Sunday PinaSaya ngayong Setyembre 11 kaya huwag ninyong mapalampasin ito mga Kapuso.