
Sumalang na sa isang photoshoot ang cast ng upcoming serye na Madrasta na pagbibidahan sa unang pagkakataon nina Juancho Trivino at Arra San Agustin.
Ang naganap na pictorial ay nag mistulang fashion photoshoot para sa lead at supporting cast dahil sa magagarbo nilang kasuotan.
Bahagi ni Juancho, “The whole premise of the show is to show na iba 'yung styling namin at very stylish 'yung each character.”
Dagdag pa ng kanyang leading lady, “My character would be preppy. Basic lang at simple pero fashionable pa rin.”
Siyempre hindi naman papatalo si Thea Tolentino, ang magsisilbing kontrabida sa serye.
“Diyos ko, damit ko pa lang, kwintas ko pa lang, baka magalit na yung mga tao!
“Ako 'yung nagsu-suggest po na baguhin 'yung hair, gusto ko kasi iba-ibahin 'yung look ko talaga.” aniya kay Lhar Santiago.
Abangan ang Madrasta, kasama sina Juancho, Arra, at Thea dito lang sa GMA 7!
Arra San Agustin at Juancho Trivino, bibida sa 'Madrasta'
IN PHOTOS: Meet the cast of upcoming drama series 'Madrasta'