GMA Logo Catch Me Out Philippines
Source: GMA Network
What's on TV

'Catch Me Out Philippines' replay episodes, mapapanood simula ngayong Sabado

By Cara Emmeline Garcia
Published April 7, 2021 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Catch Me Out Philippines


Mapapanood muli ang topnotch performances ng amateurs simula ngayong Sabado, April 10, sa GMA!

Mga Kapuso, kung may na-miss kayong world-class performances na hatid ng mga palaban nating amateurs, muli ninyo silang mapapanood simula ngayong April 10.

Ngayong Sabado, muling mapapanood ang pagtatagisan ng galing nina Raine, isang t-shirt printing business operator, at Bhert, isang freelance videographer.

Magpe-perform si Raine ng isang isolation dance number kasama ang two-time World Hip-hop Champions na UPeepz habang si Bhert naman ay magpapakita ng diabolo tricks na natutunan niya sa kanyang one month training.

Sino kaya ang makaka-perfect score sa kanilang dalawa?

Makihula na kasama sina Jose Manalo, Kakai Bautista, at Derrick Monasterio, at ilan pang Celebrity Guest Spotters at Catchers sa Catch Me Out Philippines, tuwing Sabado, sa oras na 7:15 p.m. sa GMA-7!

Tingnan ang naging pictorial nina Jose, Kakai, at Derrick para sa Catch Me Out Philippines dito: