
Santa's Little Engine back-to-back with No Snow For Thomas

Gaganap bilang Santa Claus si Sir Topham Hatt para sa mga batang bisita sa party ng kanyang kaibigan na si Sir Robert Norramby.
Alangan siyang sumakay sa isang sleigh lalo na ngayong makapal ang snow at napakadulas ng mga daan. Sapat na kaya ang tulong ng tank engine na si Thomas para makarating siya sa party nang ligtas?
Alamin sa Thomas and Friends: Santa's Little Engine!
Ka-back-to-back nito ang Thomas and Friends: No Snow for Thomas.
Dahil ayaw isuot ni Thomas ang kanyang snowplough, sasabihin niyang maluwang ito at kailangang tanggalin. Iiwan lang niya ito sa isang tabi at lalabas na para maglaro sa snow.
Masu-stuck siya sa riles dahil sa snow na hindi pa natanggal sa daan!
May makahanap pa kaya kay Thomas para iligtas siya?