
Nakakabahala ang update sa Instagram Stories ng Miss Universe 2018 winner na si Catriona Gray.
Sa post ng Pinay beauty queen, makikita ang isang sasakyan na basag ang salamin.
Dito, sinabi ni Catriona na nanakawan sila at nalimas ng magnanakaw ang kaniyang gamit, pati ang passport niya.
Sabi niya sa caption ng IG stories, “Robbed in the middle of London, while stopping for lunch on the way to the airport.
“Our passports and belongings - gone. Traumatized.”
Makikita sa recent Instagram post ni Queen Cat na kasama niya sa bakasyon sa United Kingdom at Scotland ang mga magulang na sina Mita Gray (Normita Magnayon) at Ian Gray.
RELATED CONTENT: CELEBRITIES NA NINAKAWAN