What's on TV

Cebuana 'The Clash 2023' top 30 contender faces her fear of joining a TV singing competition

By Jansen Ramos
Published December 27, 2022 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Three dead in Alawite protests on Syrian coast, local officials say
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

nash casas of the clash 2023


Kilalanin ang 24-year-old Clasher mula Cebu na si Nash Casas dito.

Bukod sa inaasam na titulo, mayroong malalim na dahilan kung bakit sumali ang 24-year-old Cebu native na si Nash Casas sa The Clash 2023.

Aniya, ito ay para malagpasan niya ang kanyang takot sa pagsali sa mga singing competition dahil sa bashers.

"Being an aspiring Clasher is hard for me not because I don't believe in myself but it's something that makes me anxious everytime I remember the struggles that I've been through in my life. Pero andito ako kasi gusto kong ipakita sa mundo na kakayanin ko and kahit ano pa mang dumating na pagsubok sa buhay," sulat niya sa isang Facebook post.

Sa kabila ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili noon, handa na si Nash na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na makilala bilang isang mahusay na mang-aawit ngayong isa na siya sa mga makakatungtong sa The Clash stage bilang top 30 contestant ng bagong season ng Kapuso reality talent show.

Siya na kaya ang susunod sa yapak ng kapwa niya Cebuana at iniidolo niyang The Clash Season 3 winner na si Jessica Villarubin?

Abangan 'yan sa The Clash 2023 na malapit nang ipalabas sa GMA.

Para sa iba pang updates tungkol sa programa, manatiling bumisita sa GMANetwork.com/The Clash at sa offiicial Facebook, Twitter, TikTok, at YouTube pages ng The Clash.

SAMANTALA, BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, KILALANIN ANG REIGNING CHAMP NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: