
Patuloy ang paglaban ng GMA Network sa piracy, lalo na nang ilunsad ang adbokasiyang “Stream Responsibly. Fight Piracy” noong 2023. Layunin nito na palawigin ang kaalaman tungkol sa pagprotekta sa creative works.
Para pagtibayan ang kanilang commitment sa adbokasiya ay nakipag-partner ang GMA Network sa Alliance for Creativity & Entertainment (ACE), ang pinakamalaki at pinaka-epektibong coalition laban sa piracy.
Para suportahan ang adbokasiyang ito ay ilang Kapuso artists ang naging ambassador nito, kabilang na ang dating Voltes V: Legacy stars na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores at Raphael Landicho, Maging Sino Ka Man star na sina Barbie Forteza, at ang Black Rider star na si Ruru Madrid.
Kamakailan ay nagpakita rin ng suporta ang mga Cebuano Kapuso artists na suportahan ang kampanya, at inudyukan ang mga kapwa Cebuano na labanan din ang piracy.
Ang Abot Kamay na Pangarap star na si Richard Yap, nagbigay ng paalala na mag-stream lamang sa mga legitimate platforms para manood ng paborito nilang Kapuso shows.
“Avoid suspicious-looking sites that can harm your device and steal your personal information. Protect your children from pirate sites that can also expose them to inappropriate content,” sabi ni Richard sa Cebuano.
Ang Pepito Manaloto star na si Manilyn Reynes, nagbahagi ng mga panganib sa pag-download at pag-stream mula sa pirate sites.
“Pirate sites can expose you to malware that can collect personal data, endangering your privacy and that of your family. Watching only on legitimate platforms guarantees safe and quality viewing in your household,” sabi niya.
BALIKAN ANG PAGSUMPA NI RURU MADRID BILANG ANTI-PIRACY AMBASSADOR SA GALLERY NA ITO:
Nagbigay din ng paalala ang All-Out Sundays at Queendom diva na si Jessica Villarubin na suportahan ang industriya sa pamamagitan ng panonood mula sa legitimate platforms.
“You not only get the best viewing experience, but you also guarantee the continuous creation of more programs for everyone to enjoy. Digital piracy is a crime; do not take part in it,” sabi niya.
>