What's Hot

Celeb photographer Raymund Isaac, umalma sa mga mayayamang nag-record ng 'Crazy Rich Asians' sa sinehan

By Jansen Ramos
Published August 24, 2018 1:09 PM PHT
Updated August 24, 2018 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd promotes 16k public school teachers under expanded career progression system
Cases vs. Sarah Discaya, others transferred to Lapu-Lapu City
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News



Pagkadismaya ang naramdaman ng celebrity photographer na si Raymund Isaac nang masaksihan niya mismo ang pag-record ng ilang viewers sa isang upscale na sinehan ang ilang eksena mula sa 'Crazy Rich Asians.'

Ipinahayag ng celebrity photographer na si Raymund Isaac ang kanyang pagkadismaya matapos niyang masaksihan ang illegal camcording ng Hollywood film na Crazy Rich Asians.

Umalma si Raymund dahil sa isang high-end movie theater siya naimbitahan manood ng pelikula kung saan mayayaman lamang ang nakaka-afford.

Ayon sa kanyang Facebook post, "a lot of them took out there phones, recorded some scenes, replied to messages and opened their FB.."

"What has happened to us na?

Is this an addiction?

Or are we just oblivious to other people?" tanong niya.

Ibinahagi naman nina Lea Salonga, Gian Magdangal at dating aktor na si Hans Montenegro ang kanilang sentimiyento patungkol dito.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang pagre-record ng movie sa loob ng sinehan ay labag sa Republic Act. No. 10088 or ang tinatawag na "Anti-Camcording Act of 2010."

Kapag ang isang tao ay napatunayan na guilty sa paglabag ng batas na ito ay posibleng pagbayarin ng fine na mula P50,000 hanggang P750,000 at maaaring makulong ng anim na buwan hanggang isang taon.