
Battle of wits and personalities ng dalawang star-studded teams ang mapapanood sa Friday fresh episode ng Family Feud.
Ngayong August 14, maglalaro sa Team Celebri-Peeps ang mga tinututukang personalities mula sa bagong original game show ng GMA na The People Have Spoken.
Tampok sa kanilang team ang stand-up comedian and content creator na si Baus Rufo, beauty queen-turned-host na si Joy Barcoma, ang host na si Janeena Chan, at ang resident eventologist na si Tim Yap.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, haharap sa kanila ang Team Tambay na pinangungunahan ng rapper, actor, director, vlogger, at content creator na si Pio Balbuena. Siya ay may halos 7.5 million followers sa Facebook at nagbigay rin si Pio ng boses para sa theme song na “Mamang Sastre” ng The Master Cutter kasama si Garrett Bolden.
Kasama naman niya sa Team Tambay ang kanyang asawa na si Aira Balbuena, sister-in-law na si Chloe Espino, fellow online personality na si Balong (Renato Pama).
Abangan ang exciting Friday showdown sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 14, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.