
Hindi malayong sundan ni Jose Sixto Dantes IV or Ziggy ang yapak ng kanyang mga magulang at pasukin din ang mundo ng show business.
Ngayon pa lang kitang-kita na may “artista factor” na ang two-year-old son nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Kamakailan, umani ng libo-libong like, comment, at view ang short video ni Marian kay Baby Ziggy.
Kasalukuyang nagbabakasyon ang pamilya Dantes sa Itogon, Benguet.
Sa caption ng IG post ni Marian sinabi niya, “My little curious and sweet boy! Mama will always be here to hold your hand.”
Marami ring celebrities ang pinusuan ang viral post na ito ng Kapuso primetime actress at kahit si KC Concepcion napa-comment at sinabing, “Grabeeeee guapo!!!”
Isinilang ni Marian ang anak na si Ziggy noong April 16, 2019, samantalang dumating sa kanilang buhay ni Dingdong ang panganay nilang si Zia noong November 23, 2015.