
Maraming Kapuso netizens ang kumasa sa #24OrasChallenge sa TikTok. Kaniya-kaniyang paandar at voice modulation, magaya lang ang kanilang mga paboritong news anchors.
Ang challenge kasi, kailangan basahin ang news headline script na nasa teleprompter gaya ng delivery nina Vicky Morales at Atom Araullo.
Kaya naman ang ilang challengers, iba-iba ang ginawang gimik. Merong habang nagluluto na nag-ala reporter.
@jbjuanich #duet with @24oras #24oraschallenge yung niluluto ko sunog na.
♬ original sound - 24 Oras
Ang isa namang ito intense ang ginawang pagbabasa ng balita.
@bj.agulto #duet with @24oras "Hold my beer" hahaha Reporter na napipikon na sa Pandemic #24oraschallenge #TiktokPhilippines #Pinoytiktok
♬ original sound - 24 Oras
Habang si ate, chill at seryoso lang sa kaniyang pagre-report.
@jaslynneg #duet with @24oras bago maging busy bukas, #24OrasChallenge muna! ❤ #fyp
♬ original sound - 24 Oras
Pero meron ring kinarir ang challenge, may pa-studio background at naka formal attire pa!
@ja_woo At kumasa po tayo sa #24oraschallenge ng @24oras 😁❤️ Happy to have a duet with you sir @! #gmapublicaffairs #gmanetwork #newsanchor #newsreporter
♬ original sound - 24 Oras
May ilang TV at Radio personalities din ang nakisabay sa trend gaya ng aktres at asawa ni Kapuso actor Rodjun Cruz na si Dianne Medina at ang resident DJ ng Barangay LS na si Papa Dudut.
@dianne_medina #duet with @24oras #24oraschallenge hahaha try lang ❤️
♬ original sound - 24 Oras
@djpapadudut #duet with @24oras #24oraschallenge #PapaDudutAnchor #BarangayLSDJ #BarangayLoveStories #PapaDudutBarangayLoveStories #barangayls971
♬ original sound - 24 Oras
Kung gusto mo ring subukan ang ibang level na pagbabasa ng balita, hanapin lang ang #24OrasChallenge sa TikTok at baka ikaw na ang susunod na maging 24 Oras reporter!