
Umani ng papuri mula sa local celebrities at social media stars ang pelikulang Balota, na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Isa sa mga nakapanood ng naturang pelikula ay ang Shining Inheritance star na si Kyline Alcantara at kasama niya rito si Kobe Paras. Humanga ang Sparkle actress sa husay ng award-winning star sa Balota.
“Another masterpiece from Ate Yan. Pasok na pasok sa taste ng mga Pilipino and it's a serious topic but there's a hint of comedy, that's what I love about it. And siyempre, Ate Yan's there,” ani Kyline.
Dagdag naman ni Kobe, “I'm speechless.”
Pinuri naman ng content creator at Shining Inheritance actress na si Charlize Ruth Reyes, o Charuth, ang lahat ng bumubuo sa Balota at dalawang beses na niyang napanood ang pelikula.
“Same feels pa rin. Super galing nang pagkakagawa. Salute talaga sa director and kay Madam Marian [Rivera], at sa buong cast,” aniya.
Samantala, inilarawan ng TikTok creator na si Mark Ian Garcia na “thought provoking” ang Balota.
“Sobrang solid ng Balota. It's a must-watch lalo na nalalapit 'yung eleksyon natin. It's very thought provoking para sa ating mga botante kasi real situation,” pagbabahagi niya.
Dagdag niya, “Magandang mapanood ng bawat isa para mas maging matalinong botante tayo.”
Napapanood na ang pelikulang Balota in cinemas nationwide.
ALAMIN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAGPAKITA NG KANILANG SUPORTA SA PREMIERE NIGHT NG BALOTA SA GALLERY NA ITO.