Celebrity Life

Celebrities honor their loved ones this Undas

By Aedrianne Acar
Published November 1, 2019 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Binisita nina Kara David, Sen. Grace Poe, Joaquin Manansala, at Pocholo Barretto ang mga yumao nilang mahal sa buhay ngayong Undas.

Pagkakataon din para sa mga celebrities ang araw ng Undas para mabisita nila ang mga yumao nilang mahal sa buhay.

Isa sa mga sumabay sa pagunita ng milyung-milyon Pilipino ang multi-awarded Kapuso news anchor/ documentarist na si Kara David. Binisita niya ang kanyang ina na si Karina Constantino-David sa Loyola Memorial Park sa Marikina City na kamamatay lamang noong buwan ng Mayo.

Remembering mommy ❤️ love you forever

A post shared by Kara David (@iamkaradavid) on

May ilan din kamag-anak na binisita si Kara sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ayon sa post niya sa Instagram.

Remembering our dearly departed loved ones. Opera singer Jovita Fuentes, historians Renato and Letizia Constantino and my hero Karina Constantino-David.

A post shared by Kara David (@iamkaradavid) on

Nag-iwan naman ng mataintim na panalangin si Senator Grace Poe sa Instagram para sa yumao niyang ama na si late action star Fernando Poe Jr. na nakalibing sa Manila North Cemetery.

“Taimtim na dalangin at pag-alaalang puno ng pagmamahal para sa ating mga pumanaw na mahal sa buhay.”

Taimtim na dalangin at pag-alaalang puno ng pagmamahal para sa ating mga pumanaw na mahal sa buhay.

A post shared by Grace Poe (@sengracepoe) on

Kahit dumadaan sa sunud-sunod na kontrobersya ang pamilya ni Pocholo Barretto, pinili pa rin nitong bisitahin ang kanyang lolo Miguel Alvir Barretto ngayong Undas na binawian ng buhay last October 15.

Si Pocholo ay anak ni Michelle Antoinette Barretto, samantalang tita naman ni Pocholo sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Mas pinili naman ng Kapuso hunk na si Joaquin Manansala na bumisita nang maaga sa puntod ng mga kamag-anak niya kahapon, October 31.