What's Hot

Celebrities mourn Chokoleit's death

By Nherz Almo
Published March 10, 2019 1:00 PM PHT
Updated March 10, 2019 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Aiai Delas Alas, Pokwang, K Brosas, and other comedy actors pay tribute to their fellow comedian Chokoleit.

“Pahinga ka na, Choc.”

Chokoleit
Chokoleit

Ito ang malungkot na mensahe ni Comedy Queen Aiai Delas Alas tungkol sa pagpanaw ng kapwa niyang komedyanteng si Chokoleit, o Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay.

Ayon sa opisyal na pahayag ng kaniyang talent management, nakaranas ng hirap sa paghinga ang komedyante matapos ang performance niya sa isang out-of-town show sa Abra.

Sa kaniyang Instagram post kanina, March 10, inalala ni Aiai ang isa sa mga masasayang pagkakataong kasama niya ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz at itinuturing niyang isa sa pinakamagaling na komedyanteng nakilala niya.

Naalala ko nung malilit pa sina sophia mamasyal kami sya ako and si mje na friend namin .. dahil malayo byahe tinuturuan ng dalawang bading mag abc si sophia may dalang cheetos so pinapabasa .. chi chi cheetos .. tapos sabihin ni choco b as in ba ba bakla ituturo nya yung isa ko friend gaganti naman si mje kay choc .. b as in ba ba ba.... kulaw hehehe .. ang saya lang .. pahinga ka na choc .. RIP 🙏🏼-- #isasapinakamagalingnakomedyante

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on


Isang pasasalamat din ang mensahe ng malapit na kaibigan ni Chokoleit na si Pokwang.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi ng comedy actress, “Salamat chokie sa tawa at sa lagi mong bukas na puso at yakap sakin tuwing may hinaing ako, isa kang tunay na kaibigan ko!”


Sabi naman ng isa pang itinuturing na BFF ni Chokoleit na si K Brosas, “My heart is broken... walang biro...”

Katulad ng iba pang celebrities, humingi rin ng lakas ng loob si K Brosas para malagpasan ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kaniyang kaibigan.

My heart is broken... walang biro... bakit? Lagi kong sinasabi to, ikaw ang pinaka nakakatawa para SA akin.. sabi ko nga baka ikamaytay ko ang kakatawa sayo... pero nauna ka syet ka!! Bwisit ka Chokoleit!!! Bakit????? Lord.. give me strength para maintindihan po At malagpasan to.. pls lang po.. mahal na mahal kita chokie.. 💔💔❤️

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on


Samantala na rito ang ilan pang nagpahayag ng kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni Chokoleit:

Good job my friend. Well done. Thank you.

A post shared by Candy Pangilinan (@candypangilinan) on

March 1 sana sya sa abra na kasama ako..kaya lang di sya pwede kaya march 9 sya nilagay huhuhu..nanghihina ako sana natulungan kita magperform haaaay @hot_chokoleit

A post shared by Gil (@ategay08) on