
Hindi mapipigilan ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros na tumodo sa kanyang OOTD kahit nasa bahay lang siya dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine.
#KatasNgShowbiz: Ang bonggang bahay ni Paolo Ballesteros
Umani ng maraming likes mula sa celebrities at netizens ang Instagram photo ni Paolo kung saan suot-suot niya ang isang violet evening gown.
Ilan sa mga nag-react sa palaban na OOTD ng award-winning Die Beautiful actor ay kapwa Dabarkads niyang sina Pauleen Luna at Allan K.