
Nagluluksa ngayon ang ilang celebrities dahil sa biglaang pagpanaw ni Direk Maryo J. Delos Reyes.
Marami ang sinariwa ang kanilang magagandang alaala kasama ang batikang direktor. Kabilang na rito sina Aiai delas Alas, Ruru Madrid, Isabelle de Leon, Katrina Halili, Carlo Gonzales, Ryan Eigenmann at Ate Gay.
Si Direk Maryo ay sumakabilang-buhay nitong Sabado, January 27 ng 10 P.M. matapos atakihin sa puso.