
Hindi nakaligtas sa matinding traffic sa NLEX ang ilang celebrities, na kinailangang magtiyaga sa mahabang biyahe dahil sa baha at pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Isa sa mga naipit sa traffic si Migs Almendras, na napilitang maglakad sa kahabaan ng NLEX dahil hindi umuusad ang kanyang sinakyan.
Sa mga ibinahagi niyang larawan, makikita rin ang maraming pasaherong nagsagawa ng stopover habang naghihintay na lumuwag ang trapiko.
Samantala, umabot naman sa limang oras ang biyahe ng beauty queen na si Joy Barcoma sa NLEX.
Nagbahagi rin siya ng alternatibong ruta para sa mga biyaherong patungong hilaga upang makaiwas sa mga bahaging binaha.
“If going north, exit San Simon then pasok San Simon ulit para makaiwas sa sunod na baha. Ingat lahat!”
Marami ring netizens ang nakarelate sa kanilang mga karanasan sa matinding traffic at pagbaha kasunod ng mga pag-ulan na naranasan sa ilang bahagi ng Luzon.
Celebrities and influencers share their take on the controversy over trending flood control projects