What's Hot

Celebrities, naki-join na rin sa FB Avatar craze

By Dianara Alegre
Published September 4, 2020 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

facebook avatar of celebrities


Hindi lang si Jose Mari Chan ang bumida sa pagpasok ng “ber” months dahil uso rin ngayon sa social media ang digital cartoon character o Avatar ng netizens.

Sa pagpasok ng "ber" months ay Inilunsad ng social media platform na Facebook ang pagkakaroon ng digital cartoon character o Avatar ng users nito.

Siyempre, agad na nakisabay ang mga Pinoy hanggang sa naging isa na rin ito sa patok na comic relief online.

Dahil sa cute at nakaaaliw na paglikha nito, nakisali na rin sa trend ang ilang mga celebrity at personalidad na gumawa rin ng sarili nilang avatar.

Kabilang na diyan si Descendants of the Sun actress Jennylyn Mercado, Ruru Madrid, Ken Chan, Tina Panganiban Perez, Nelson Canlas at Jessica Soho.

Source: Jennylyn Mercado (FB) ; Ruru Madrid (FB) ; Ken Chan (FB) ; Kapuso Mo, Jessica Soho (FB)

Ayon sa netizen na si Cherry Malaya, gumawa rin ng sariling avatar, kahit papaano ay nakatulong daw ang paglikha ng avatar at pakikipag-ugnayan sa iba gamit ito upang makapaglibang.

“Siyempre, natutuwa ako na may bagong napaglilibangan 'yung mga tao besides the chores that they need to do in the house since everyone is home.

“This pandemic kasi caused so much negativity and chaos that we need something different,” aniya.

Tingnan ang iba't ibang Avatar ng inyong paboritong mga artista sa video sa itaas.