
Dumagsa ang iba't ibang miyembro ng Filipino entertainment industry sa Instagram post ni Felicia Atienza kung saan binalita ng pamilya Atienza ang pagpanaw ni Status by Sparkle star Emman Atienza.
Ilan lamang sa mga personality na naghatid ng kanilang mga alaala at condolences ay ang kapwa Status by Sparkle star Brandon Espiritu, Solenn Heussaff ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, AC Bonifacio ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, at ang singer na si Sitti Navarro-Ramirez.
Ayon kay Brandon, si Emman ay isang “sweet and light person”, habang naghatid naman ng pakikiramay sila Solenn at AC. Personal namang binanggit ni Sitti ang mga magulang ni Emman na si Kim at Felicia Atienza.
Photo source: @feliciaatienza
Naghatid din ng kanilang pakikiramay ang negosyanteng si Angie Mead King, model at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao, at si Kazel Kinouchi ng My Father's Wife.
Photo source: @feliciaatienza
Si Ryan Bang, Anne Curtis, mga nakasama ni Kim Atienza ng maraming taon sa It's Showtime, ay naghatid din ng kanilang pakikiramay. Ang beauty queen at kapwa Kapuso na si Winwyn Marquez, pati si Cassy Legaspi ay nakiramay din sa pagpanaw ni Emman.
Photo source: @feliciaatienza
Ilan pa sa mga personalidad na nakiramay ay si Mister Pilipinas Global Jether Palomo, ang stylist na si Liz Uy, at hot at actor na si Richard Juan.
Photo source: @feliciaatienza
Sa Instagram post ni Felicia Kim, ibinahagi niya ang kalungkutan ng kanilang pamilya sa biglaang pagpanaw ni Emman. Inalala din ni Felicia ang kaligayahan na dinala ni Emman sa kanilang pamilya at sa buhay ng lahat ng nasa paligid niya.
“She brought so much joy, laughter, and love into our lives and into the lives of everyone who knew her. Emman had a way of making people feel seen and heard, and she wasn't afraid to share her own journey with mental health. Her authenticity helped so many feel less alone,” saad ni Felicia sa caption ng Instagram post.
Nanawagan din ang pamilya Atienza sa mga tao na ipagpatuloy ang mga kalidad na isinabuhay ni Emman.
“To honor Emman's memory, we hope you carry forward the qualities she lived by: compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life,” saad nila.