GMA Logo Lovi Poe
What's Hot

Celebrities react to Lovi Poe's topless photo

By Aimee Anoc
Published August 4, 2021 11:28 AM PHT
Updated August 4, 2021 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Lovi Poe


Isang mainit na araw!

Bukod sa netizens, napa-wow rin ang celebrity friends ni Lovi Poe sa ibinahagi nitong topless photo.

Noong Lunes, nag-post ang aktres ng topless photo sa Instagram kung saan tanging nude colored panties at high heels lamang ang suot nito. Makikita rin sa larawan ang signature tattoo ni Lovi na "My gravity."

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

"Anyways," caption ng aktres na may kasamang winking emoji.

Napa-comment naman ang ilang celebrities sa post na ito ni Lovi at ipinarating ang kanilang paghanga sa aktres.

"Inaano ka ba? Nang aano ka eh!" pabirong tanong ni Gabby Eigenmann, at sinagot naman ni Lovi ng laughing emojis.

"Nasaan ba 'yung pamalo ko???" dagdag pa ni Kiray Celis.

Maging ang dating leading man nito na si Benjamin Alves sa GMA series na Owe My Love ay napa-comment ng "Sensen naman damit mo."

Agad naman itong sinagot ng aktres na may kasamang yum emoji, "Sensya gipit po doc Migs."

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 393,000 likes at 2,750 comments ang post na ito ni Lovi.

Samantala, mapapakinggan na sa Biyernes, August 6, ang bagong kanta ni Lovie na "CANDY."

Tingnan ang hottest photos ni Lovi Poe sa gallery na ito: