
I lang oras na lang at mapapanood na ang most anticipated at ground-breaking primetime soap ng 2019 na Kara Mia.
Barbie Forteza and Mika Dela Cruz play the girl with two faces in 'Kara Mia'
Excited na ang marami na makita ang husay sa pag-arte ng mga bida nito na sina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz na gaganap na kambal na naghahati sa iisang katawan.
Mainit din ang suporta ng celebrities para sa world premiere ng Kara Mia. Isa na dito ang Kapuso leading man na si Ruru Madrid na inanyayahan ang kaniyang mga followers sa Twitter na tutukan ang bagong Kapuso primetime series.
Mamayang gabi na po ito! #KaraMia suportahan po natin ito! pic.twitter.com/xZP5z1Vay8
-- Ruru✖️Madrid (@Rurumadrid8) February 18, 2019
Todo din ang pag-promote ng Inagaw Na Bituin star na si Angelika Dela Cruz na nakatatandang kapatid ni Mika.
Ilan pa sa mga bituin na todo ang suporta sa pilot episode ng Kara Mia ay sina Diana Zubiri at Kristoffer Martin.
Huwag papahuli sa inaabangan simula ng Kapuso primetime series na Kara Mia ngayong gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa nangungunang GMA Telebabad!