Hindi lang hit sa taong-bayan ang biopic na 'Heneral Luna.' Pati ang mga artista, napabilib din sa naturang pelikula. Isa na riyan ang Philippine Queen of Comedy.
By AEDRIANNE ACAR
Bukod sa mga Kapuso stars na sina Carla Abellana at comedy genius Michael V, labis din na humanga ang Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas sa historical film na 'Heneral Luna' na pinagbibidahan ng aktor na si John Arcilla.
Sa post ni Aiai sa Instagram ngayong Miyerkules ng tanghali, laking gulat daw niya na kahit last full show na ay punong-puno pa rin ang sinehan.
Dagdag pa ng CelebriTV host na ubod daw ng galing ni John Arcilla sa naturang pelikula.
Aniya, “Nanood kami ng HENERAL LUNA ... Punong puno yung sinehan last full show --- A MUST SEE FILM... Pag ninilaynilayan nyo ang pagiging PILIPINO NINYO ..... Congratulations sa lahat ng bumubuo ng HENERAL LUNA LALO NA SI JOHN ARCILLA AT SI KETCHUP... BRAVO!!!”