
Mga Kapuso, handa na ba kayong muling makasama si Eugene Domingo at ang original bluffers?
Fact na fact! Simula May 2 ay babalik sa GMA ang all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff!
Kahit naka-quarantine ay tiyak na sisigla ang Saturday nights ninyo dahil muling maghahatid ng katatawanan at kaalaman sina Eugene, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete. Fact na fact din ang pagbabalik ng inyong kilig dahil sa #JoGe love team!
Para sa buena mano ngayong May 2, makakasama ni Eugene at ng bluffers sina Mylene Dizon, Sheryl Cruz at Sef Cadayona. Kasama ring maglalaro ng Kapuso stars ang kanilang personal assistants.
Sino kaya sa kanila ang magwawagi sa unang round ng 'Fact or Bluff?' At sino ang magtatagumpay sa
'Word War' para umabot sa final round?
Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado, 10:35 P.M.