
Ang Celebrity Bluff na ang bahala sa laugh trip ngayong Kapaskuhan!
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Makiki-“Fact or Bluff” naman ang mga pares mula sa celebrity families. Tandem ang mag-amang sina Rez Cortez at Cai Cortez, teammates ang mag-asawang sina China Conjuangco at Gino Gonzalez, at partners ang mag-amang sina Monching Gutierrez at Diego Gutierrez.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong tumawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.