GMA Logo Dennis Trillo and Jennylyn Mercado wedding
What's Hot

Celebrity manager Becky Aguila, naging emosyonal sa kasal ng 'panganay' na si Jennylyn Mercado

By Marah Ruiz
Published November 20, 2021 7:06 PM PHT
Updated November 22, 2021 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Cebu province, Cebu City suspend classes for Monday, January 19, 2026
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado wedding


Hindi napigilang maiyak ng celebrity manager na si Becky Aguila sa kasal ni Jennylyn Mercado na matagal na niyang alaga sa showbiz.

Tahimik at pribado ang naging kasalan sa pagitan ng magkasintahang sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Balak sana nilang sa ibang bansa magpakasal next year pero dala ng maselang pagbubuntis ni Jen, minarapat nilang dito na muna sa Pilipinas magpakasal.

Ilang mga kaibigan at immediate family lang muna ang inimbitahan nila sa kanilang intimate wedding ceremony.

Kabilang siyempre sa guest list ang longtime manager ni Jennylyn na si Becky Aguila.

Si Becky na ang manager ni Jen kahit noong nagsisimula pa lang ito sa showbiz. Sa katunayan, parang kapatid na nga rin ang turing ng mga anak ni Becky na sina Katrina at Bianca kay Jennylyn.

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Becky sa kasal ni Jen. Kuwento ni Katrina, "It was the first time I saw @becky_aguila cry after such a long time."

Very happy at excited daw kasi ang nanay niya para kay Jen.

Isang post na ibinahagi ni Katrina Aguila (@katrina_aguila)

"Sabi nga niya noong papunta kami sa venue 'Kat, alalayan mo 'ko, hindi ko alam kung anong mangyayari once I see Jen.' She was very nervous and happy because her "panganay" was finally getting married and is about to be a mom again. @mercadojenny will always have a special place in Ma's heart," dagdag pa ni Katrina.

Parang anak na rin talaga ang turing ni Becky kay Jen.

"Like what Ma said on our way home, 'Kat, hindi ko napigilang hindi umiyak… Anak ko 'yan eh. Jen deserves the world and I am happy that she is getting the family she hoped and prayed for,'" pagpapatuloy ni Kat.

Tinapos naman ni Katrina ang kanyang kuwento sa isang pagbait para kay Jen at sa mister nitong si Dennis.

"Congratulations again to the newlyweds @mercadojenny @dennistrillo! ❤️ #forevernahosijenatden," pagtatapos niya.

Silipin ang intimate wedding ceremony nina Jennylyn at Dennis sa gallery na ito: