
Matapos tayo humanga sa performance ng Sparkle Teen member na si Aidan Veneracion bilang Archie sa Royal Blood, ngayon naman, gumagawa ng ingay online ang newbie Kapuso para sa role niya sa GMA Prime series na Pulang Araw.
Agaw pansin ang death scene ni Aidan bilang si Mario kung saan ka-eksena niya ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Ipinasilip ng actor behind-the-scenes moments sa pilot episode ng Pulang Araw sa Instagram at dito, sunod-sunod ang papuri sa kaniya hindi lang ng netizens kundi pati ang ibang celebrities tulad ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at si Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.
Samantala, nasa number one spot pa rin ng top TV shows ng Netflix Philippines ang Pulang Araw ngayong August 3, kung saan bida rin sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at may special role rin ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.
RELATED CONTENT: MEET SPARKLE HEARTTHROB AIDAN VENERACION