
Ang tunay na babae nag-e-extra rice!
Kinagigiliwan ng mga netizen ang funny Instagram post ng versatile actress na si Alessandra de Rossi sa Instagram.
Paolo Contis at Alessandra de Rossi, nakatanggap ng positive reviews sa 'Through Night and Day'
Makikita sa post ni Alessandra na walang kiyeme itong nag-komento patungkol sa kanyang tiyan nang i-share niya ang beach photo niya sa social media site.
Aniya, “Dahil ang tunay na babae... Nag-e-extra rice.... Tapos magbibikini... Tapos makakalimutan yung stomach in! Ayan! Text-text na lang! Bye 🤣🤣🤣”
May mahigit sa 24,000 likes na ang naturang post ni Alessandra sa Instagram
Sunod-sunod namang nag-react ang celebrity friends niya tulad nina Heart Evangelista at Camille Prats.
Maraming netizens din ang humanga sa aktres, dahil game ito pagtawanan ang kanyang sarili.