
Hindi lang netizens ang nakapansin ng sexy figure ng kapapanganak lang na Kapuso actress-comedienne na si Chariz Solomon.
Pati kapwa celebrities ni Chariz ay pinuri rin ang kanyang postpartum body.
Mahigit lamang ang isang buwan mula nang manganak ay 'tila bumalik na ang sexy figure ng aktres.
Napansin ito ng publiko sa kaniyang dance video nitong Miyerkules, November 4.
Aniya, ginawa niya ang video “Habang hinihintay ko yung pinapainit kong tubig pampaligo ni Andreas.”
Kabilang sa mga celebrity na nag-react sa naturang video sina Iwa Moto, Lovely Abella, Sheena Halili, Betong Sumaya, Reese Tuazon, Faye Lorenzo at Manilyn Reynes.
Isinilang ng Descendants of the Sun PH actress si baby Andreas nitong October 1.
Bukod kay Andreas, mayroon pa siyang dalawang anak, sina Apollo at Ali.