
Natural ang pagiging competitive sa Centerstage grand finalist na si Colline Salazar.
Kaya kahit busy sa pag-aaral ay nagagawa niyang pagtuunan ng atensyon ang mga paghahanda niya para sa grand finale showdown ng Centerstage.
Ayon sa Q and A video ng binansagang future Broadway star ng Las Piñas City, "Marami akong challenges na pinagdaanan sa Centerstage. 'Yung first po is practicing really hard para po makapasok sa competition.
"Kailangan ko rin po mag-concentrate at palaging i-kondisyon ang boses ko no matter what happens.
"I also have to believe in myself and I have to focus on my studies dahil mahirap po talagang pagsabayin."
Sa kabila ng mga pinagdaanang challenge, ito raw ang nagpatibay lalo sa kanyang confidence at kakayahan.
"Isa sa mga natutunan ko po is to believe in myself and to know my [capabilities] in singing po.
"Natutunan ko rin po always have fun kahit na isa po itong singing contest.
"Another thing that I have learned po is to push myself para maibigay ko po ang makakaya ko at para maging responsableng bata."
As of today, May 27, nangunguna si Colline sa isinagawang poll ng GMANetwork.com.
Nasa 40.6 percent ang nagsasabing si Colline ang pambato nilang manalo sa grand finals ng Centerstage.
Si Vianna Ricafranca ang sumunod kay Colline na nakakuha ng 30.4 percent ng boto.
Nasa 27 percent naman ng mga bumoto ang nagsasabing si Oxy ang karapat-dapat magwagi, at 1.75 percent naman ang bumoto para kay Rain Barquin.
Sa mga hindi pa nakakaboto, maaaring sagutan ang poll DITO.