GMA Logo bubble gang ratings
Source: Bubble Gang (FB)
What's on TV

Certified wow ang ratings ng 'Bubble Gang'; 'Oh Wow' song milyon na ang online views

By Aedrianne Acar
Published July 31, 2023 3:56 PM PHT
Updated July 31, 2023 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bubble gang ratings


Wow na wow ang mainit n'yo na suporta, mga Kababol!

Maulan man ang buong Linggo, ramdam na ramdam ang mainit na suporta ng viewers at fans para sa flagship gag show na Bubble Gang.

Base sa datos mula sa NUTAM People Ratings kagabi, July 30, nagtala ng 10.2 percent na TV ratings ang award-winning Kapuso comedy show, 'di hamak na mas mataas sa katapat nitong programa.

Patuloy rin na umaani ng papuri ang bagong parody song ng Kapuso ace comedian na si Michael V. na "Oh Wow" na nag-premiere sa episode ng Bubble Gang kagabi. Ang naturang kanta ay base sa OPM song ng bandang Dilaw na "Uhaw."

@youlolgma Oh, Wow! By Hilaw is out NOW! #youlol #youlolgma #gma #gmanetwork #michaelv #bubblegang #bubblegangcomedy #bubblegangparody #kingofparody #uhaw #fyp #BBLOhWow ♬ original sound - YoüLOL

Wala pang isang araw matapos ito maupload, nakamit na nito ang mahigit 4.1 million views sa TikTok. Nasa trending list din ito sa YouTube Philippines at may dalawang milyon views na rin sa Facebook.

Source: YouLOL social media pages and Bubble Gang (Facebook)

BALIKAN ANG ILAN SA HIT PARODY SONGS NI DIREK MICHAEL DITO:

Kaya kung gusto n'yo ng “Chew-lit” na tawanan tuwing Sunday primetime, manood ng Bubble Gang tuwing 6:00 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.