
Hindi man aktibo ngayon sa showbiz and aktor na si Cesar Montano, aktibo naman ito sa social media. Ngayong araw nga, May 10, may post ito tungkol sa pangunguna sa senatorial race ng kapwa action star at kaibigan na si Robin Padilla.
Aniya, naniniwala siya na maraming maitutulong si Robin sa bansa.
"I saw how he helped and supported the needy and under-privileged Filipino people several times noong s'ya po ay isang simpleng artista lamang. I am a living witness," bahagi ni Cesar.
Dagdag pa niya, "Hindi lang po n'ya ugali ang ipag-ingay sa media kapag tumutulong sya. Unless other people do it for him. But he doesn't toot his own horn.
"Sa simpleng pagkatao nya, alam n'ya ang tunay na problema ng mga Pilipinong mabababa at hirap. At may solusyon si kapatid na Sen Robin sa mga ito."
Ani Cesar, marami na ang naging senador na matatalino, abogado pa nga ang iba, pero walang ginawa kundi mamulitika at pinagsisihan ng marami ang pagboto sa mga ito.
"Maliwanag po na hindi lamang katalinuhan o diploma ang hinahanap nating katangian para sa ating mga karapatdapat na senador sa ating bansa. Kundi may tunay at ginintuang puso para sa karapatan ng mga mamayang Pilipino. Lalu na para sa mga inaaping mga manggagawa, mangingisda, at mga magsasaka."
Pagtatapos ni Cesar, "Hintayin lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin. It's unfair to judge him now."
Nagpasalamat naman si Robin sa kaibigan sa tiwala nito sa kanyang kakayahan.
"Malalim na pagpupugay sa idolo namin lahat na mga action star. Mabuhay ka po direk Cesar D Montano. Maraming maraming salamat po"
Samantala, silipin sa gallery na ito ng mga action stars noon, padre de pamilya na ngayon: