GMA Logo Cesar Montano, Muro-ami
Photo by: GMANetwork.com, GMA Pictures
What's on TV

Cesar Montano, binalikan ang challenges sa paggawa ng 'Muro-ami'

By Kristine Kang
Published June 4, 2026 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP Custodial Center not suitable for high-profile detainees — Nartatez
Check out this cafe inside the National Museum of Fine Arts
DND,PAOCC: Steel mill plant raid in MisOr not politically motivated

Article Inside Page


Showbiz News

Cesar Montano, Muro-ami


Cesar Montano sa remastered 'Muro-ami': “Parang nanonood ako ng bagong pelikula.”

Nagbabalik sa big screen si Cesar Montano sa remastered version ng 1999 award-winning film na Muro-Ami!

Bilang pagdiriwang ng muling pagpapalabas ng pelikula, masayang bumisita si Cesar sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (June 4).

Ayon sa aktor, labis ang kanyang tuwa na mapanood muli ang pelikula mula sa teaser hanggang sa mismong paglabas nito sa cinema screen.

"Parang nanonood ako ng bagong pelikula. Iba 'yung remastered po," aniya.

"'Yung mga nakapanood po ng Muro-Ami before, panoorin niyo po ulit ngayon. Iba po 'yung digitally restored and remastered. Kakaibang pelikula po ito e lalo na ngayon 'yung mga young generation, panoorin niyo to."

Inamin din ni Cesar na hindi niya malilimutan ang award-winning film dahil ito ang isa sa pinakamahirap na pelikulang nagawa niya.

"Physically exhausting. Physically challenging para sa akin as an actor [and] a person. Kasi 'yung preparation mahirap na eh.," kuwento niya.

"I was given like three months to prepare for 'yung binigay sa akin template ng katawan ni Fredo, my character. So naghanap ako ng instructor ko. Three months no salt, no sugar, no oil. Wala pong kinakain na asin, oil, wala ring sugar."

Bukod sa mahigpit na paghahanda, sumailalim din sila sa dive training. Lalo na't apat na buwan silang nanatili sa dagat para sa paggawa ng pelikula.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, nagpapasalamat si Cesar sa pagkakataong maging bahagi ng proyekto dahil marami siyang natutunan sa kanyang karera at sa personal niyang buhay.

Isa sa mga taong nagbigay-inspirasyon sa kanya ay ang yumaong direktor at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.

"Si Direk Marilou is a very loving, very adorable person. Punong-puno siya ng pagmamahal sa lahat ng katrabaho niya. Hindi lang sa akin po, sa lahat. Kaya nakaka-miss.siya. 'Pag kasama siya, masaya," pahayag ni Cesar.

Mapapanood na sa mga piling sinehan nationwide ang remastered version ng Muro-Ami.

Sa direksyon ni Marilou Diaz-Abaya, isinulat ang pelikula nina National Artist for Film Ricky Lee at acclaimed filmmaker Jun Robles Lana.

Tinalakay sa Muro-Ami ang pagsasamantala sa mga batang diver na ginagamit sa isang mapanganib at ilegal na pamamaraan ng pangingisda.

Kasama rin ni Cesar sa pelikula sina Pen Medina, Jhong Hilario, Amy Austria, at Rebecca Lusterio.

Samantala, silipin ang special screening highlights ng Muro-Ami sa gallery na ito:

Panoorin dito ang buong panayam kay Cesar Montanao: