
Bilang isang premyadong aktor, alam na ni Cesar Montano kung ano nga ba ang maituturing na magaling na aktor.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 3, sinabi ni Cesar, o kilala rin bilang si Buboy, na isa sa mga pinakaimportanteng katangian ng isang magaling na aktor ay ang kakayahan nilang makinig.
“If you're not a good listener, malabong mangyari. Kailangan marunong kang makinig nang maayos,” sabi ni Buboy.
Dagdag pa niya, importanteng makinig sa direktor at sa sarili.
“Like for example, ito, hindi tayo umaarte, ano ang ginagawa natin? We listen to each other. Bakit itong quality na ginagawa natin is the quality na kailangan kunin ng direktor? Kasi natural, e. Natural ito, we're not acting. But we just listen to each other,” sabi ni Buboy.
BALIKAN ANG NAGING SIMULA NG SHOWBIZ CAREER NI CESAR SA GALLERY NA ITO:
Pagbabahagi naman ni King of Talk Boy Abunda, isa sa mga bagay na nahihirapan siya bilang isang host ay iyong mga simpleng movements.
“Ang napakahirap gawin, hindi lamang 'yung mga highly dramatic scenes, ang pinakasisimpleng bagay. 'Walk to the left and sit.' 'Pag pinagawa mo 'yun, nako-conscious ka,” sabi ng batikang host.
Dagdag pa ng batikang host, isang gift ang maging magaling sa mga simpleng eksena o movement sa harap ng kamera.
Pagdating naman sa talento at technique para maging magaling na aktor, ibinahagi ni Buboy na may acting techniques naman na hindi kailangang magmukhang ganoon.
“Kailangan, walang corners, kailangan malambot, flowing. Kumbaga sa nagpapahid ng brush, dapat natural 'yun. So 'yung makitang may kanto 'yung acting mo, ibig sabihin, stiff,” sabi ni Buboy.
Pagpapatuloy ng aktor, “Ang importante du'n, kailangan 'yung objective mo, klaro. Klaro sa isip mo.”
Panoorin ang panayam kay Cesar dito: