GMA Logo Cesar Montano
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Cesar Montano, 'devastated' pa rin sa pagkawala ng anak na si Angelo

By Kristian Eric Javier
Published September 24, 2025 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rainy Monday forecast due to 3 weather systems
Man in Iloilo found dead constricted by snake
Tomorrow x Together 'Wonders at 5:53' fun meet: Ticket prices and seat plan

Article Inside Page


Showbiz News

Cesar Montano


Alamin kung ano ang naging epekto kay Cesar Montano ng pagpanaw ng anak niyang Angelo.

Mahigit dalawang dekada na simula nang pumanaw ang anak ni Cesar Montano na si Christian Angelo ngunit hanggang ngayon ay devastated pa rin ang actor-director sa nangyari dito.

Matatandaan na noong March 2010 ay napabalita ang pagpanaw ni Angelo sa bahay nito sa Quezon City kung saan nakita siyang may tama ng baril sa ulo. Ayon sa report noon ni Manny Vargas ng dzBB, sinubukan pang dalhin sa ospital si Angelo, ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Sa pagbisita ni Cesar sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 24, kinamusta ni King of Talk kung papaano siya naapektuhan sa pagpanaw ng kanyang anak.

“I was devastated, I was devastated. Kasi siya 'yung aking morning buddy. Tinatawag ko 'yan, wala na nga siya e, nailibing na, tinatawag ko pa sa umaga minsan. Hindi ako sanay, akala ko nandoon pa rin siya, natatawag ko pa rin,” sabi ni Cesar.

BALIKAN ANG CELEBRITY DADS NA NA-E-ENJOY ANG FATHERHOOD SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi ni Cesar, isa din siyang kaibigan sa kanyang mga anak. At isang bagay na itinuturing niyang importante sa relasyon niya sa mga anak ay komunikasyon sa kanila.

“Basta lagi lang 'yung communication, dapat, hindi napuputol, importante may communication,” sabi ni Cesar.

Nang hingan naman siya ni Boy ng rating niya sa sarili bilang isang ama, inamin ng aktor na hindi niya kayang gawing i-rate ang sarili. Sa katunayan, bilin niya sa ibang mga magulang ay huwag din itong gawin sa sarili.

“Let other people rate you. Kasi hindi pareho 'yung kung ano 'yung iniisip mo. Tatlong tao po tayo, e. You're the person other people think you are, the person you think you are, and the person you really are. So sa sarili ko 'yun. Maaaring sabihin nila, 'Masyado mo naman binababa 'yung sarili mo.' Maaaring sabihin nila, 'Masyadong yabang mo naman,'” sabi ni Cesar.`

Panoorin ang panayam kay Cesar dito: