
Bininyagan na ang “pinakabunsong anak” ni Cesar Montano.
Ito ay base sa Facebook post ni Ronald Adamat, kung saan makikita ang ilang larawan na kuha umano sa binyag ng anak ni Cesar na nagngangalang “Kristen.”
Si Ronald ang isa sa mga napiling maging ninong ng bata.
“Cesar Montano and I are now compare,” he said in his post.
Sa kanyang post, sinabi ni Adamat, "It's an honor and privilege. Cesar Montano and I are now kompare.
“Was invited by him to stand as ninong to his youngest daughter Kristen.
“We've also talked about the proposed movie out of my book entitled, "The Blood Brothers."
“If things will be finalized, God willing, after the launching of the book, shooting will start January 2019. It must be historic and educational
“The Filipino people deserved to watch this movie. Please help me pray for its realization."
Walang binanggit sa post kung sino ang ina ng bata. Ngunit tila siya ay anak ni Cesar sa kaniyang new partner na si Katrina Angeles.
May mga anak din si Cesar sa kanyang former wife na si Sunshine Cruz--sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline, and Angel Francheska.