What's Hot

Challenges sa cast ng Paano Ba ang Mangarap?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 28, 2020 1:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Featuring a younger cast than the movie, paano haharapin ng younger generation of stars ang challenges na ipiprisenta ng show na ito?
Nalalapit na ang premiere ng 'Paano Ba ang Mangarap?' at nalalapit na rin ang judgment ng mga manunuod sa narating na ng cast nito. Featuring a younger cast than the movie, paano nga ba haharapin ng younger generation of stars ang challenges na ipiprisenta ng show sa kanila? Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. A single question posed sa press conference showed everyone kung gaano na nga kahanda ang cast ng Paano ba ang Mangarap? sa kanilang mga roles. Asked kung anong challenges ang kanilang haharapin sa mga roles na kanilang gagampanan, hindi na nag-isip ang cast ng kanilang ibigay ang mga sagot. Let's start with Mark Herras. Ayon sa aktor, ibang-iba na raw siya ngayon kumpara sa mga nauna niyang soap.stars
"'Pag nakikita niyo ako sa set, ibang-iba ako. Talagang tahimik, nakatutok lang sa script, hindi ako maharot, hindi ako naglalaro. Talagang kailangan naka-focus ka; every scene na ginagawa namin, malungkot, masaya, umiiyak or 'yung love scene—kailangan talaga nakatutok kami," ayon kay Mark. "Hindi ako umaalis ng bahay nang 'di ko alam 'yung script, or 'yung 'di ko alam kung ano 'yung mangyayari for that taping." Samantalang si Jennylyn Mercado naman ay nagsusumikap na mapantayan ang nagawa ni Vilma Santos with the role before: "Dahil siyempre 'yung character ni Miss Vilma Santos hindi basta-basta. So 'yung mga pinagdaanan niya simula nung nabuntis siya, kung ano pa 'yung mga nangyari sa buhay niya, makikita niyo lahat doon sa story." Kaya naman malaking pasasalamat ang ibinibigay ni Jennylyn sa kanilang director na si Joel Lamanga. "Sa tulong na rin ni Direk Joel, talagang lalong napaganda 'yung bawat character namin, talagang pinaghandaan, pinag-aralan," pagmamalaki ng aktres. The only cast member not to have worked with Direk Joel before, Hero Angeles, is happy na mabibigyan siya ng opportunity to work with the famous director through this soap. Pero with a very short-lived role, ibang challenge ang hinaharap ni Hero. "Unang-una, pressure siya sa akin kasi napakagaling na aktor ni Jay Ilagan," umpisa ng binata. "Pangalawa, ito ang balik-tambalan ng Mark-Jennylyn, so papasok ako sa eksena nila, so mahirap para sa akin. Siyempre iniisip ko 'yung reaction ng fans nila, ano ba 'yung magiging outcome nung project na 'to." Ang real-life best friend of Mark Herras, si Rainier Castillo, presents a different challenge naman para sa kanya at kay Jay Aquitania.
"'Yung role po namin ni Jay kasi, kami 'yung mga barkada ni Mark dito, so sobrang seryoso ang mga roles namin dito," kuwento ni Rainier. "Lalo na 'yung kay Jay kasi magkakaroon siya ng twist, eh. So sana po abangan niyo." And siyempre, Chynna Ortaleza says her character Maya will be a force to reckon with. Kaya naman gagawin niya ang lahat para mabigyan justice ang role na unang ginampanan ni Amy Austria: "'Yung challenge for me as an actress dito is the fact na kontrabida siya, pero ang dami-dami niyang dalang problema. 'Yung punto niya na hindi ibinabalik sa kanya ang pagmamahal ng isang tao na sobra-sobra na ang ibinibigay niya. Plus ang realization na magmamahal ['yung guy] ng ibang tao. Nakikita ko na, week per week, kung paano mage-escalate 'yung emotions ng character ni Maya, and doon pa lang, alam ko talagang kailangan ko siyang tutukan para magampanan nang maganda tulad ng pagganap ni Miss Amy Austria. And I'm happy kasi si Direk Joel, nandyan siya para tulungan kami, mahalagang-mahalaga 'yun para sa amin." Pero mukhang kampante naman ang production team sa kalalabasan ng Paano Ba ang Mangarap? Direk Joel himself reassures everyone na dahil alam na ng writers that the cast will be filled with a younger generation of artists, na-adapt na ang mga roles para maging mas bata rin. At naniniwala siya na the issues presented by the soap ay walang pinipiling edad. iGMA asked Miss Redgyn Alba, the show's Program Manager, kung ano ang masasabi niya sa pagbabalik-tambalan nila Mark at Jen—at kung ano ang dapat abangan from the two. And this was her answer: "Kasi, parang si Mark, 'di ba? Nag-iba na ang countenance niya. Si Jennylyn, sabihin mo na rin kasi, mas marami siyang pinagdaanan siguro. Which is also good, 'di ba? Mas relatable siya sa character niya ngayon, bilang isang ina na rin. So maganda 'yung experience na 'to para kanilang dalawa, parang opening salvo for 2009. Puwedeng panlaban ng prime time yan!" Dagdag pa niya, "I am proud that the tandem of Mark and Jennylyn was assigned again to me. 'Yung first show ko sa kanila was Forever in My Heart. if I'm not mistaken, that was their first prime time tandem. Tapos nag-Encantadia sila. So since that time, ngayon ko lang sila ulit makakatrabaho. And it's very obvious, 'di ba, na they've really grown. I'm so proud!" Talaga namang nakaka-excite ang soap na ito! Kaya don't miss the pilot episode of Paano Ba ang Mangarap? on Monday, February 16, sa Dramarama sa Hapon ng GMA.