
Exciting ang parating na bagong linggo ng full action series na Black Rider.
Muling sasabak sa maaksiyong eksena si primetime action hero Ruru Madrid. Makakasama pa niya sa bakbakan ang veteran actress na si Chanda Romero.
Gumaganap si Chanda sa serye bilang pangulo ng Pilipinas. Malalagay ang buhay niya sa panganib nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa mga nangyari sa Isla Alakdan.
Game na game si Chanda na mga action scenes kasama si Ruru. Sa katunayan, sumakay pa siya ng motor, sumuot sa ilalim ng isang sasakyan, at nakipaghabulan pa sa mga armadong lalaki.
Nostalgic din daw para sa aktres na makabitan ng squibs dahil 1979 pa siya huling gumamit nito. Ang squib ay isang maliit na explosive device na karaniwang nilalagyan ng fake blood at ikinakabit sa damit ng mga aktor para magmukhang tama ng bala.
Siniguro naman ng produksiyon ng Black Rider na safe siya at ang lahat ng iba pang involved sa mga eksena. May double para kay Chanda at may mga medics at security officers din na naka-standby sa set.
Bukod sa mga makapigil-hingingang eksenang ito, isa pang pasabog ang inihanda ng Black Rider. Sabay na kasi itong mapapanood sa GMA at sa GTV simula May 13.
Mas maraming mga Kapuso na ang maabot ng paboritong action-serye ng masa dahil mapanood na ito nang sabay sa tatlong channels--GMA, GTV, Pinoy Hits--at maging online sa Kapuso Stream.
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider, na sabay nang mapapanood sa tatlong channels at maging online!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits, at simula May 13, sa GTV.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.