
Para sa maraming '90s babies, maraming nakakilala pa rin sa dating TV host na si Chantal Lontoc-del Rosario, na bumida noon sa isang sikat na commercial ng soft drink brand.
Sa vodcast na 'Think Talk Tea', inilhad ng Filipino-Taiwanese personality kung paano siya pinalaki ng kanyang nanay na isang Taiwanese.
Kuwento niya sa host na si Kring Kim, pinabawalan pa siya noon ng kaniyang nanay na manood ng local entertainment TV.
Pagbabalik-tanaw niya, “My mom is a foreigner, Taiwanese. I think may konting, may Japanese rin talaga. Pero mas Taiwanese 'yung nangibabaw and then my Dad is Filipino. Hindi ko alam kung paano sila nagkaintindihan.
“So, I grew up quite different with different households.. For a while, pinagbawalan din ako ng mom ko na manood ng TV, ng local TV. Uso pa 'yun dati, kasi she wanted us to learn her language, pero never nangyari 'yun.”
Related gallery: Filipino actors and actresses who are mixed-race
Inalala rin ni Chantal nang maging host siya ng dating lifestyle show ng GMA na 3R,
Lahad niya na favorite niya ang programa dahil sa tema nito na 'women empowerment.'
“Sa GMA siya, so women empowerment, 3R siya. Franchise siya actually from Malaysia. Kasi, pinu-push nila 'yung women empowerment, they were ahead of us.” paglalahad ni Chantal sa Think Talk Tea.
“Tapos, kinuha ng GMA' yung show and then, franchise siya, ginawa rin dito. Parang mga Pinoy Big Brother 'di ba franchise rin siya. So 'yung 3R na 'yun kami 'yung unang-una batch-Me, Reema Chanco, and Anna Domingo, bago pa naging sila Iza Calzado. Favorite ko 'yun, women empowerment show 'yun.”
Samantala, tingnan ang modern Kapuso series na may tema ng women empowerment